Muling nanariwa sa alalala ng mga millennials ang kanilang student days nang muling nauso ang Chinese garter sa mga kabataan ngayon.
Kamakailan lamang ay muling kumalat ang video ng Supreme Student Government ng Gaudencio L. Vega National School kung saan isa ang Chinese garter sa main events ng kanilang Christmas party noong Disyembre.
Tuwang-tuwa ang mga netizen na nakaalala ng kanilang elementary at high school days kung saan kinakarir ng mga kabataan ang larong Chinese garter kesehodang tumabling at mag-cartwheel pa. Nag react din ang mga pabuhat na baby at mga malulupit na mother na kayang lundagin kahit lagpas tao na ang taas ng garter.
Masasaya din ang mga magulang na nakikitang naglalaro ng ganitong klaseng games ang kanilang mga anak kaysa magbabad sa cellphone at iba pang gadgets.
“No one could beat me in this game I still remember jumping so high so I can win. Now, i’m chubby and can’t even jump to save my life”
“Throw back..kaya kaya ko yn dati hangang viva pa…pero ngaun hirap na batang90s”
“Reminds me of middle school. Only us Asians were playing this during recess.”
“I remember those days! Mas gusto ko noon wala pang gadgets masaya ang Mga bata noon kysa ngayun”