DBM, naglabas ng Php1.3B para pailawan ang mga classrooms!

Inaprubahan ng Department of Budget and Management ang budget na Php1.295 billion para matugunan ang problema ng kawalan ng kuryente sa mga pampublikong paaralan.

Para mas mapadali ang pag-aaral ng mga estudyante ng paggamit ng mga teknolohiya gaya ng kompyuter at internet sa eskwela, paiilawan na ang lahat ng mga classrooms sa buong bansa.

Para matugunan ito, nag-release ang Department of Budget and Management (DBM) ng halos Php1.3 billion para sa electrification program ng Department of Education sa lahat ng public schools.

“Let us light up every classroom, sparking curiosity and igniting dreams,” ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, sa ulat ng The Philippine Star.

Aniya, naniniwala siya na tama lamang na mag-invest sa edukasyon sa pamamagitan ng pagbuhos ng resources para sa kailangan na mga pasilidad ng mga estudyante. Kasama sa naaprubahang budget ang pagmo-modernize ng electrical systems ng on-grid schools.

Dahil dito, ma-uupgrade na ang electrical power systems ng existing buildings maging ang pag-purchase at pag-install ng nararapat na transformers at solar power systems. Magiging priority ng DepEd ang pagamit ng solar energy sources para magbigay ng kuryente sa mga off-grid at on-grid public schools.