Dating simpleng kalsada lang sa Baguio City, isang atraksyon na ngayon!

May bagong atraksyon na binuksan ang lokal na pamahalaan sa Baguio City.

Buhay na daan o “living street” na ngayon ang bansag sa Carantes Street sa Baguio City na nagkaroon ng major glow-up kamakailan.

Ang mga bisitang maglalakad sa kalsadang ito ay dadalhin sa nakararaan ng nasabing lugar sa pamamagitan ng mga naka-ukit sa mga pader ng mga gusali na nagpapakita sa yaman ng kultura at tradisyon ng mga Igorot.

Hindi mo aakalain na dating itong neglected 8-meter-wide back alley sa downtown Baguio.

Pinasinayaan ng lokal na pamahalaan ng Baguio kamakailan ang “living street” sa pangunguna ni Mayor Benjamin Magalong at Vice Mayor Faustino Olowan.

Maaari ring magpahinga o magbasa ng libro sa mga upuan na inilagay sa nasabing lugar. Pinapayagang ding dumaan dito ang mga maliliit na sasakyan at mga bisikleta.