Mukhang naging paboritong magka-collab na ng mga Kings ng P-pop SB19 ang kanilang Ate Sandara dahil sa kanilang bagong viral video ay itinampok na naman nila ang Pambansang Krung Krung sa kanilang dance cover ng “I Need a Girl” ni G-Dragon.
Sa video na umabot na sa higit 2.9 million views sa TikTok, muling ipinamalas ng SB19 ang kanilang swabeng dance choreo tapos maya-maya lamang ay lumabas na din si Dara para sabayan sila.
@officialsb19 I need a girl with THE OG @sandarapark.official 🥹🫰 #SB19#sandarapark ♬ I Need A Girl (Feat. G-dragon) – 태양
Natuwa naman ang mga A’TIN, BLACKJACK, at Daraling sa naging collab video na lalong nagpa-excite sa kanila sa gaganaping 2NE1 “Welcome Home” concert sa Pilipinas sa darating na Nobyembre.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagkasama sina Dara at ang MAHALIMA dahil nagka-trabaho na sila bilang mga opisyal na endorser ng ACER sa Pilipinas. Siyempre, may shippers din na Dara at ni G-Dragon ang kinilig dahil sa paggamit ng kanta ni GD sa collab.
“The OG girl Sandara Park ♥️♥️♥️”
“the OG ‘I Need A Girl’ Muse with SB19 🥰🔥💗”
“Eyyy 🤙 Sandara X SB19 🥰”