Hindi lingid sa lahat na napakalakas ng fanbase ni Park Seo Joon sa Pilipinas. Katunayan, sa sobrang dami niyang hit romcoms at action series, maging mapa-lalaki o babae man ay humahanga sa kanya.
Pero pagdating sa internet, wala pa ding patawad ang kalokohan ng mga Pinoy na walang sasantuhin kahit ikaw pa ang pinakabagong oppa sa balat ng lupa.
Isang post ng Marvel ang umani ng kantyaw nang ginawang katatawanan ng mga Pilipino ang pangalan ng karakter ni PSJ sa The Marvels kung saan siya ay gaganap bilang Prince Yan. Ani resharer na si Vico Tiu, wala namang tumututol sa Marvel na pangalanan si Park Seo Joon na Prince Yan. Ito ang naging mitsa ng sari-saring komento tungkol sa pangalan ng karakter.
oo nga, prince nga yan?? wala naman kaming sinabing hindi sya prince https://t.co/eykSXvkatg
— vico tiu (@vicentejian) October 16, 2023
“Dapat kasi, prince yarrrn,” hirit ng isa.
“Bakit kasi walang haha reax dito sa X,” dagdag ng isa pa.
“Akala ko nagloloko lang yung Marve bakit kasi Prince Yan pangalan nya,” reklamo ng isa pang Pinoy fan.
“Dami kong tawa,” sagot ng isang commenter.
“Ang witty mo beh,” sabi ng isa.