Muli na namang nagpabilib si “Dancing Security Guard” Ryniel Pineda ng Davao City sa kanyang galing sa pagsayaw, pero this time hindi lang ang netizens ang napa-wow, kundi pati si Lady Gaga nang maispatan siya sa TikTok na humataw sa kanyang kantang “Abracadabra.”
SaTikTok post ni Ryniel, todo hataw siya sa pagsayaw sa latest na kanta ni Lady Gaga habang nakaduty ito. “Born to be a diva, forced to be a slaycurity,” aniya.
@rynielpineda Born to be a diva forced to be a slaycurity system 🧑🏿✈️
Hindi napigilan ni Lady Gaga ang kanyang paghanga kaya napa-komento pa ito sa video ni Ryniel.
“The PASSION!” ang sabi ni Lady Gaga.
Agad naman sumunod ang mga fans ni Lady Gaga at mga followers ni Ryniel sa pagpuri sa security guard.
“bigay na bigay, taas ng energy level kasing taas ng views. congratulations. tuloy mo lang po”
“slayyyyyyy LADY GAGA REPOSTED AND COMMENT THE PASSION”
“Mic drop we’re obsessed”
“Lady Gaguard”
Nakilala si Ryniel dahil sa kanyang hilig sa pag-post ng kanyang dance videos sa TikTok. At hindi na din matatawaran ang kanyang kasikatan dahil kinuha na siyang influencer ng French fashion label na Jacquemus para sa Paris Fashion Week.