‘Damay-damay sa altapresyon!’: Lola Nena’s, nag-viral dahil sa kanilang makapigil-hiningang ad

Ad ng Lola Nena's patok sa mga netizens matapos ang makapigil-hiningang eksena sa kalye.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Bilib na bilib ang mga netizens sa commercial ng popular na local donut shop na Lola Nena’s dahil sa makapigil-hiningang eksena nito na aakalain mong totoo.

Sa isang TikTok post ng Lola Nena’s, makikita ang isa nitong staff member na simpleng nagbibigay ng tips sa publiko kung paano the best kainin ang kanilang classic donut product habang nasa gitna ng kalye at nasa harap ng isa nitong branch.

Kasabay nito, makikita ang isang gray na sedan na umaatras patungo sa direksyon ng staff member ng Lola Nena’s na aakalain mong hindi napansin ang paparating na sasakyan.

At sa pagkagulat ng lahat, may halong animation na pala ito at makikitang tumagos ang staff member sa umaatras na kotse.

@lolanenas RE-AL or FA-KE. Oh noo FA-KE😜 #lolanenas #foryou #trend #bts #behindthescenes ♬ original sound – Lola Nena

Sa kasalukuyan, mayroon ng 6.6 million views ang naturang post ng Lola Nena’s sa Tiktok, at meron na itong mahigit 720,000 na likes.

Wagi din sa mga netizens ang pagiging kakaiba at realistic ng advertisement ng Lola Nena’s.