Dalawang Pinoy VA napa-wow ang mga bossing sa kanilang videoke duet habang nasa libreng trip sa Bali

Gulat na gulat ang kliyente ng dalawang Pinoy VA dahil hindi lang sila sa trabaho magaling, pati sa pagkanta ay humataw din.

Throat chakra activated ang eksena ng dalawang virtual assistants (VA) na pinabiyahe sa isang all-expenses-paid trip ng kanilang mga bossing sa Bali, Indonesia dahil sa kanilang bonding sa isang bar, pinabilib ang kanilang kliyente sa live duet ng “If I Ain’t Got You” ni Alicia Keys.

Nang hawakan nina Martha Aquino at Franco Aquino ang mic, hindi naman inakala ng kanilang boss na ang kanyang mga inaasahang VA ay pang professional level ang angking galing sa pagbirit.’

Sa kanilang video post, huling-huli ang pagkagulat ng kanilang foreign clients sa kanilang galing sa pagpe-perform. Ang ilang Pinoy netizens naman, hindi na nagulat dahil talagang ang mga kababayan ay mahilig at mahusay sa pag-awit. Pero napa sana all sila sa all-expenses-paid trip sa Bali.

“Woo you killed this! 👏”

“itaas niyo ang bandera ng Pinas! Wohooo 🔥🔥🔥🔥”

“Interested maging VA”

“baka need nyo pa ng VA na dancer 😂 Send ko na CV ko”