Dalang-dala ang mga ante! Mga cast ng ‘Linlang,’ nakatanggap ng mga nakakatawang mensahe mula sa mga gigil na fans ng serye

Hindi kinakaya ng mga fans ang mga pangyayari sa serye kaya’t hindi na nila napipigilan mag message sa mga cast.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Marahil gawa ng pagkakadala sa mga eksena ng serye, nagsimulang makatanggap ang mga cast ng mga mensahe sa kanilang tunay na social media accounts.

Isa na rito ang binahagi ni Paulo Avelino, na gumaganap bilang Victor. Ayon sa fan, kung hindi kayang pahalagahan ni Juliana (Kim Chiu) ang isang lalaking tulad niya (Victor), ay pwede naman siyang pumalit.


Laugh trip din ang dulot ng mensahe ng isang fan kay Kaila Estrada na gumanap na Sylvia sa serye. Matapos ang kanyang pasabog na showdown sa karakter ni Kim Chiu sa palabas, pinatay ang kanyang karakter sa serye pero mukhang hindi kumbinsido ang mga faney na nagtanong pa sa kanya kung buhay pa talaga sya.

Meron din namang sa sobrang gigil kay Juliana ay nag-message na sa number na nakita niya sa serye ng lahat ng kanyang poot, galit at hinagpis sa idinulot nitong kunsumisyon.

Lakas talaga ng epekto ng ‘Linlang!’