Nasa cloud nine pa rin ngayon ang Kapamilya actress na si Francine Diaz matapos ang di inaasahang collab nila ng South Korean heartthrob a si Seo In-guk.
Aminado naman si Francine na hindi niya kayang tapatan ang pagiging singer ng Korean star ngunit salamat sa kantang “Pag-ibig,” nabigyan siya ng moment kasama ang isa sa kanyang mga iniidolong oppa.
Nakilala ni In-Guk ang manager ni Francine noong nakaraan taon nang ganapin niya ang kanyang fan meet sa Manila at doon niya sinabing gusto niyang makatrabaho ang aktres.
Nagkataong napakinggan ni In-guk ang kantang “Pag-ibig” na nirecord ni Francine noong 2019 bilang bahagi ng Gold Squad Album kasagsagan ng kanyang teleseryeng “Kadenang Ginto,” at sinabing maganda ang boses ng aktres.
Kaya nitong Disyembre ng nakaraang taon, lumipad si Francine sa South Korea para sa musical collab nila ni In-guk na pinamagatang “My Love.”
“Hindi ko masyado in-expect na mapu-push through itong collaboration kasi sabi ko, hindi kaya sobrang laking step for me? And as an actress na acting lang talaga ako, biglang papasok ng singing. But ’yun, ’yung sinabi nila sa akin na tuloy and he really wanted to do it with me, of course, nagulat ako and hanggang ngayon, I’m still on cloud nine,” sabi ni Francine sa panayam sa Metro.Style.
Ayon kay In-guk, ang kantang “My Love” ay hango sa kanyang lumang album na binigyan niya ng bagong buhay. “It’s a solo song that features a rap portion. This time, as I worked with Francine, I had a great time during the process of turning it into a male-female duet song,” ani In-Guk sa parehong panayam ng Metro.Style. “The song’s content is about love so I worked on it, thinking, ‘Wouldn’t it be fun to make it like a conversation that talks about love and goes back and forth about love?’ and that process was just so much fun…I’m very thankful that I got to do that with Francine,” dagdag pa ng South Korean star. Mapapakinggan na ng mga fans ni Francine at ni Seo In-guk ang “My Love” sa March 2, pati na rin ang music video na ginawa dito sa Pilipinas.