Dagdag pondo para sa concert funds,makukuha sa basura, ayon sa SM Cares

Hinihikayat ng SM Cares ang kanilang mga customer na dalhin ang recyclable waste para sa kanilang Trash for Cash program.

May pinag iipunan ka ba na concert? Or nais mo lang mabawasan ang kalat sa inyong tahanan? Baka nais mo lang na maging responsable sa pagdidispatsa ng iyong mga basura.

May magandang ideya ang SM para makatulong ka sa kapaligiran, at magkaroon ng dagdag pocket money.

Ayon sa post ng SM Cares, pwedeng dalhin ang mga recyclables sa kanilang Trash for Cash booths para ang mga PET bottles, kahon at ibang kalat na pwedeng i-recycle ay pwede pang mapakinabangan.

Nagtatag ng Trash for Cash project ang SM bilang bahagi ng kanilang sustainability initiatives.