Abot-kamay na ang Php100 na dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners sa pribadong sektor matapos aprubahan sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Senado ang panukala para dito.
Nakakuha ng 20 affirmative votes sa plenaryo ang Senate Bill No. 2534 nitong Lunes, ayon sa ulat ng Inquirer.net.
Hindi naman nakadalo sa botohan sina Sens. Imee Marcos, Lito Lapid, Cynthia Villar, at Mark Villar.
“Definitely, some may argue that implementing such measures could impose hardships on businesses and impede economic growth. However, we should bear in mind that a flourishing economy relies on the vitality of its workforce, who are considered the lifeblood of enterprises,” pahayag ni Sen. Jinggoy Estrada, ang nag-sponsor ng the bill.
Para naman kay Zubiri, nararapat lamang na dagdagan na ang sahod ng mga manggagawa lalo na ang nasa Visayas at Mindanao na kumikita lamang ng Php360 kada araw. Nasa 4.2 million minimum wage earners ang makikinabang sa taas-sahod na ito.