Huli man daw at magaling ay may award pa rin. Ito ang nangyari kay “Queen of Tears” star Kim Soo Hyun nang makatanggap ng nominasyon sa Baeksang Art Awards para sa kanyang pagganap bilang Baek Hyun Woo sa katatapos lang na serye.
KIM SOOHYUN DOING BAEK HYUNWOO’S ICONIC CRYING SCENE😭😂#BaeksangArtsAwards2024 pic.twitter.com/kMwYeLVZgJ
— ️️ً (@soohyunssimp) May 7, 2024
Hindi man pinalad na iuwi ang tropeo para sa Best Actor para sa serye, naiuwi naman ni Soo Hyun ang Prizm Popularity Award nang magkamit ito ng higit limang milyong boto mula sa mga fans mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
“hello everyone, this is actor #KimSooHyun. i’m really happy to work in a such amazing drama, to receive this award and getting support from so many people. i’ll continue being a better actor. thank you!”
congratulations actor kim!#BaeksangArtsAwards2024#KIMSOOHYUNxBAA2024 pic.twitter.com/MQyqtif1lX
— chel (@kshsimp) May 7, 2024
Samantala, napayagan naman na umattend ng award show si Lee Do Hyun, na tumanggap ng award nilang Best New Actor para sa kanyang horror film na “Exhuma.”
Kilig na kilig ang mga fans sa kanyang tikas sa pagsuot ng kanyang military uniform. Lalo silang kinilig nang banggitin ni Do Hyun sa kanyang speech ang kanyang girlfriend na si Lim Ji Yeon. Matatandaang umamin ang dalawa na na develop ang kanilang relasyon nang magkatrabaho sila sa K-dramang “The Glory” na humakot din ng awards noong nakaraang taon.
LEE DOHYUN WINNER OF 60TH BAEKSANG BEST NEW ACTOR FULL SPEECH#LEEDOHYUN #BaeksangArtsAwards2024 pic.twitter.com/mcwNBKGLTD
— 𝐫𝐢𝐫𝐢. (@blueskypallette) May 7, 2024