Hindi mo mapipigilan mapangiti sa video ng mag-amang Bugoy at Scarlet Cariño matapos nila sumayaw sa patok na mga pop hits ng P-pop girl group na BINI.
Sa Tiktok video na pinost ng aktor, makikitang feel na feel niya ang pag-sing-along sa isang kanta habang nasa loob siya at ang kanyang unica hija na si Scarlet ng kanilang sasakyan.
Bilang isang diehard na Bloom, hindi tinantanan ni Iska si Bugoy na patugtugin naman ang kanta ng mga idol niyang BINI.
“Daddy, iba naman po. BINI naman Daddy. Ako naman Daddy!” sabi ni Iska.
Pabiro namang kinontra ni Bugoy ang request ng anak sabay sabing hindi niya kilala ang BINI at hindi din alam ang mga kanta nila.
“Hindi ko nga alam ang BINI e. Hindi alam song nila. Sino ba yung BINI?” tanong ni Bugoy.
At dahil hindi tinigilan ni Scarlet, di kalaunan ay napapayag din si Bugoy na patugtugin ang BINI song na “Salamin, Salamin.”
At ng dumating sa parte ng chorus ng kanta, biglang sumabay ng todo-bigay si Bugoy sa paghataw ng dance steps ng BINI at walang sablay na nakuha ang bawat galaw kasabay ni Iska.
“PINILIT MO PA KASI AKO SCARLET EH, YAN TULΟΥ!” caption ni Bugoy.
@iambugoycarino PINILIT MO PA KASI AKO SCARLET EH, YAN TULOY! 😅 #ScarletCariño #BugoyCariño ♬ original sound – Bugoy Cariño
At hindi pa natapos sa “Salamin, Salamin” dahil nagbigay pa ng encore performance ang mag-ama.
Tinuloy na nila ang pagsayaw sa isa pang hit BINI song na “Pantropiko.”
“Landian mo pa beh,” sabi pa ni Bugoy kay Iska habang humahataw.
Tuwang-tuwa naman ang mga netizen sa video ng mag-ama habang madami din ang bumilib sa BINI moves ni Iska.
“Sooo cute ni ate”
“a good dancer. promising”
“galing na bata”
“Ang cute nio idol bubly”
“Give na give..feel na feel ng baby SCARLET”
Agad namang ni repost ng BINI members na sila Jhoanna, Colet, at Gwen ang video ng mag-amang Cariño.