Daanin na lang sa tawa! ‘Lumaki po ako sa farm’ remix, umani ng LOL sa mga netizens

Idinaan na lang ng isang netizen sa kanta ang nakaka-stress na isyu tungkol kay Alice Guo.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kung ang ibang mga Pilipino ay nai-stress sa Senate hearing na dinaluhan ni Bamban Mayor Alice Guo, iba naman ang naisipang gawin ng content creator Sean AI na gumawa ng remix version ng mga sagot ng kontrobersyal na opisyal.

Sa kanyang “Lumaki ako sa Farm” remix, pinairal ni Sean ang kanyang sense of humor ng pagtagniin niya ang mga quotable quotes ni Mayor Guo mula sa mga interviews at sa Senate hearing at lumikha ng kanta tungkol dito.

Kabilang sa mga itinampok na quotes ay ang “Lumaki po ako sa farm,” “Ako po ay Filipino,” “Ang nanay ko po ay Filipina,” at “Ako ay isang Pinoy.”

Matapos i-loop ang mga kataga ay nagpasok din si Sean ng mga lyrics patungkol sa mga salaysay ni Guo patungkol sa kanyang pagyaman at pagpasok sa politika.

Matatandaang nagasangkot ang inihalal na mayor ng Bamban, Tarlac sa isyu ng pagdami ng POGO sa kanilang lalawigan.

“Wow ang galing naman lods”

“Someday you will be a great composer sean al”

“Genius. Not only do you present an issue thru an appealing medium, you bring it to a wider audience”

“Galing mo talaga lodi”

“I really admire your creativity and talent! Keep up the great work!”