Time flies, ika nga. At kahit na hindi halata kay Ina Raymundo na mayroon na siyang mga binata at dalagang anak ay natuwa naman ang kanyang mga fans nang mag-post siya ng isang throwback picture ng kanyang mga panganay na sina Erika at Jakob.
Sa kanyang post, ipinakita ni Ina ang isang larawan kung saan parang nag-re-wrestlingan ang magkapatid pero lamang si Ina. Pero sa bagong update, kitangang-kita na hindi na magpapatalo ang kanyang kapatid at siya na nga ang bumuhat at bumalibag kay Erika nang walang kahirap-hirap.
Ani Ina, natatawa siya sa mga anak na nagkukulitan pa rin kahit mga binata at dalaga na.
Kinilig naman ang mga fans sa kagwapuhan ni Jakob at nagboluntaryo pang magpabalibag.
“Ahahahahahahaha Cariño Brutal ng magkapatid 😂😂😂🙈🙈🙈 Dumating na araw ng paghiganti ni Kuya Jakob 😂😂😂”
“Genetically programmed to annoy each other… perfect blend of chaos and love😂😍💪”
“Breaking News: Dalawang Ina Raymundo nagharutan!”