Sabi nga ng matatanda, mahalagang turuan ng kabutihang asal ang mga anak habang bata pa. Ito naman ang ibinida ng isang tatay sa isang viral TikTok video, kung saan tampok ang good manners ng kanyang mga anak na talagang umaliw sa mga netizens.
Sa clip na inupload ni JR Cabilogan, makikitang imbes na simpleng pagbati lang sa security guard, nagmano pa ang kanyang mga anak kay manong guard at inalis pa ang kanilang mga tsinelas bago pumasok sa loob ng restaurant.
Ani JR sa video: “Yung nasanay ka mag take off ng slippers pagpasok sa bahay 🤦😍😘.”
@jr_cabilogan very good 🫶🏼 #fyp #trending #foryou ♬ original sound – Marvin Agustin
Agad na natuwa ang mga netizens at nagpaulan ng papuri sa comment section:
“Nag mano and nag tanggal ng slippers. Napaka gandang manners — this is how our grandparents raised us back in the 90s esp the ones who grew up in the province.🥰”
“You’re raising a good son po🥰”
“eto yung sinsabi ni teacher karla, na ang values ay nagsisimula sa bahay🥰”
“CUTIE CUTIE BABYYYY 😫”