Cutest fanboy! Batang naging instant fan ng busker sa mall, umantig sa damdamin ng mga Pinoy

Ang inosenteng paghanga ng isang bagets sa isang busker sa mall ay nagbigay ng good vibes sa maraming Pinoy.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Isang cute na bagets ang naging instant fan ng isang busker sa SM Iloilo na kinagiliwan ng madlang internet.

Ayon sa OP, kumakanta ang singer sa gitna ng stage para sa mga mallgoers pero talagang sa simula pa lang ay naging interesado na dito ang bagets. Maya-maya lang ay hindi na ito umalis sa harap ng busker at kinarir na ang panonood ng mga performance nito.

Natuwa naman ang mga netizens sa napaka-inosenteng appreciation ng bagets sa performer.

“something like this would heal me. i hope that someone would tell me that they’re proud of me and that i should go for it even if i have doubts”

“This became a core memory for him.”

“Wag kang susuko hanggat may 1 naniniwala sau”

“Hanggat may naniniwala, magpatuloy kalang”