Cuteness overload! Scarlet Cariño kinatuwaan sa kanyang duality bilang BINI fan at PVL ‘recruit’

Patok sa netizens si Scarlet Cariño, anak ng aktor na si Bugoy Cariño at volleyball star EJ Laure, sa kanyang dual role bilang BLOOM at PVL “recruit.”
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kilala ang anak ng aktor na si Bugoy Cariño at volleyball star EJ Laure na si Scarlet “Iska” Cariño bilang isa sa mga diehard fans ng all-Pinay girl group na “BINI.”

Hindi lang isang beses ito napatunayan ni Iska sa kanyang mga viral videos ng pagsayaw sa mga hit na kanta ng Nation’s Girl Group.

Pero sa latest Facebook post ng tita ni Iska na si Eya, pinakilala si Iska bilang latest “recruit” ng team na Chery Tiggo Crossovers

Sa video, makikita si Iska na sumasama sa strengthening workouts at practice ng Crossovers, na team ng kanyang nanay at tita.

Ngunit sa gitna ng training, hindi pa din mapigilan ni Iska na ipakita ang kanyang mga “BINI” moves.

Tuwang-tuwa naman ang mga netizens sa pinakitang dual skills ni Iska dahil nagmana ito sa pagiging showbiz ng ama at sa pagiging atleta ng ina.

“Maging famous dancer at volleyball player ito.someday a”

“cuteness overload”

“Nsa dugo Ang pagiging dancer at volleyball player”

“si Iska talaga yung literal na pinagpala. bukod sa super cute, namana pa yung pagiging athletic sa side ng mommy nya tapos magaling sumayaw at umacting like daddy.”

“Galing naman n iska”