Kalaro na, tagapagtanggol pa!
Kadalasan, ang mga magkakapatid ay hindi nagkakasundo dahil sa iba’t ibang bagay— damit, pagkain, at laruan, ngunit para sa magkapatid na si Zeyn at Zevi, mas pipiliin nilang maging kakampi ng isa’t isa.
Sa viral video ni @shanegazmin sa TikTok, ibinida niya ang katapangan at kabaitan ng kanyang tatlong taong gulang na anak na si Zeyn, kung saan ipinagtatanggol niya ang kakambal na si Zevi kahit ito ay tila pinapagalitan ng kanilang ama.
Makikitang nakatayo ang tagapagtanggol na si Zeyn sa harap ng umiiyak na kapatid na tila hindi hahayaang maapi ang kanyang kakambal.
Natuwa naman ang mga netizens dahil bukod sa cuteness overload, na-touch rin sila sa pagmamahal na pinakita ni Zeyn:
“KACUUUUUTE! 😭😭”
“you are raising a good heart son… ayaw niyang may taong inaapi. 👏👏👏”
“sana all may ganyang kapatid 😳🥺”
“You cannot touch his twin! That’s his other life. 🖤🥺”
@shanegazmin Ang taga pag tanggol ni zevi! Hahaha 😂 #fyp #fypシ #twins ♬ original sound – Shane Gazmin