Cute na muning, nagpabida sa hilig mag-swimming sa timba

Kakaiba ang trip ng cute na pusang si Poknat dahil ang tambayan niya ay ang timbang puno ng tubig sa kanilang CR.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kung ang ibang pusa ay willing makipagdigma sa kanilang mga amo para hindi maligo ay kakaiba ang isang cute na muning na ito na gustong-gusto tumambay sa tubig.

Katunayan, siya pa mag-isa ang nagbababad sa timba para magpalamig at tila ayaw nang umahon.

Ibinida ng kanyang mga amo ang pusang si Poknat na tila nagpapakitang gilas pa sa galing mag-swimming dahil saktong-sakto ang kanyang pwesto sa timba. Nakausli pa ang kanyang ilong para hindi siya malunod. May mga pagkakataon ding inilulubog niya ang buo niyang ulo sa tubig na para bang nagpapabida.

Umulan naman ng mga komento ang ibang furparents sa thread at naikumpara si Poknat sa kanilang mga alaga.

“Pusa ko laging tulog”

“Ang pusa ko naliligo lang pero ayaw nya tumambay sa tubig”

“Ito Ang mga pusa ko..mahilig tumambay sa kusina…”