Cute na asong may “Coca-Cola body,” pinagkaguluhan sa social media!

Kakaibang "Coca-Cola Body" ang na-achieve ng isang aso na nagpa-LOL sa mga netizens
Found this article interesting? Help others discover it too!

Patok sa mga netizen ang kuha sa isang aso na literal na nagkaroon ng “Coca-Cola Body” lalo na dahil sa swak na kulay ng kanyang itim na balahibo.

Sa isang post sa Facebook ni “Home Baby,” makikita ang isang itim na malusog na aso na binabalot ang katawan ng isang plastic label ng Coca-Cola.

“Uhaw na Uhaw talaga sa sarap ng Coca Cola,” sabi sa caption ni Home Baby.

Nakadagdag pa dito ang kasabay na tugtog sa video na “Uhaw” na inawit ng bandang “Dilaw”.

Tuwang-tuwa naman ang mga netizen sa pambihirang itsura ng aso na aakalain mo talagang naglalakad na bote ng 1.5 litro ng Coke.

“Na uuhaw Ako uhaw uhaw awaw”

“Ganyan pala ang coca cola body”

“Haha coca cola body”

“Luh si ASO este COKE”