Talagang sineryoso ng ilang netizens ang kasabihan ni Albert Einstein na, “The important thing is not to stop questioning,” matapos mag-viral ang nakakatuwang tanong ng isang TikTok user tungkol sa mga empleyadong nagtatrabaho sa gitna ng expressway.
Sa video na ibinahagi ni @keeyyaan, ibinahagi niya ang isang random thought habang naglalakad sa parking area ng mga outlet store sa NLEX. Paano nga ba pumapasok at umuuwi ang mga nagtatrabaho sa mga establishments sa gitna ng expressway?
Simple lang sana ang tanong, pero sa sobrang relatable nito, bumuhos ang mga komento ng mga netizen. Mula sa mga seryosong tanong, nagbunga ito ng mga sagot na halong tawa at imagination overload.
@keeyyaan na curious lang HAHA #expressway #fyp #outlet #outletstore #NLEX ♬ original sound – PAPO
Narito ang ilan sa mga witty replies na umani ng libo-libong reactions:
“hiiii, recruiter here sa isa sa mga outlet stores along expressway. bale isa sa requirement namin, bukod sa experience ay need na lumilipad sila :)”
“Tinanong na namin yan sila, years na raw sila dyan walang uwian, trabaho lang”
“actually po nakikisabay po kami sa mga customer namin di nyo po ba napansin ang babait po namin kasi kinukuha po namin loob nyo para makisabay”
“They have teleportation devices every store po, provided po ni organizer ung others namn ay provided nang broomstick nimbus 2001 provided naman ni employer un po”