Sa sobrang dami ng prank na nagkalat sa internet tungkol sa mga hayop ay marami din namang naka-cancel ng animal rights activists dahil sa hindi pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga hayop na itinatampok sa kanilang mga video content.
Ngunit para sa mga nag-aalala tungkol sa kaligtasan ng isang pusang isinalang sa isang photocopier, walang dapat ipangamba dahil pinaghandaan naman pala ng vlogger ang kanyang gagawin.
Sa isang video ng Los Friends, ipinakita ang isang lalaking may hawak na isang kuting habang nagpapaliwanag na balak niya itong i-photocopy. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na karaniwang papel ang isinasalang sa xerox machine at bukod sa iniipit ito, kukunan pa ito ng larawan sa pamamagitan ng nakasisilaw na ilaw.
Ang siste, na modify na pala ng content creator ang copying machine kaya’t pagsuot ng pusa sa ibabaw ay agad din itong nakalusot sa ilalim. At dahil sa sumillalim na ito sa “photocopying,” mas maraming kuting ang luambas sa butas.
Ikinatuwa ng netizens ang “pagdami” ng mga copycat at pinuri si kuya sa kanyang creativity. Sana all!