Cool to the Max! Siberian Husky, kinakyutan ng netizens dahil sa kanyang hayahay na paraan ng pagpapalamig ngayong tag-init

Wagi sa mga netizen ang video ng isang Siberian Husky na may kakaibang cooling strategy.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Patok sa mga netizens ang video ng Siberian Husky na si “Max” na piniling magbabad sa batya sa gitna ng nakakapasong init sa Pilipinas.

Sa video na pinost sa Tiktok ng fur mom na si Kae Gregorio, makikita si “Max” na nakababad sa batya na puno ng tubig.

Feeling refreshed naman talaga si “Max” na kakagaling lang sa lakaran bago ang kanyang pagtatampisaw.

“After mag walk, sarap tulog mo Max huh!” sabi ni Kae.

@user39730983__423222336_ After mag walk , sarap tulog mo Max huh!🤣 #furmom #tiktokphiliippines #siberianhuskyphilippines #huskysiberiano #huskylife #fyp #fypシ #huskylove #dogsoftiktok #doglove #husky #doggo #tiktoknews #entertainment #entertainmentnewsph #gmaentertainment #tiktokviral ♬ Funny Song – Funny Song Studio & Sounds Reel

Panalo naman ang video sa mga netizen dahil sa nakatutuwang paraan ng pagpapalamig ni “Max”.

“nakatulog si baby doggie sarap ng feeling nyan pakihanda po ng meryenda”

“Parang nasa batis lang ang peg walang metro ng tubig”

“Mermaid po sya sa past life niya po”

“kambal ata aso namin mhe mahilig din sa tubig aso namin minsan nag lalaro sa yelo ang pogi naman ng baby na yan.”