Construction twerker! 2 construction workers, viral sa pagkasa sa ‘Pantropiko’ dance challenge ng BINI

Tiyak magiging proud ang mga members ng BINI sa pangangarir ng dalawang construction workers sa kanilang dance challenge.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Sa sobrang lakas ng BINI sa kanilang smash hit na “Pantropik,” mistulang mga construction workers ay nakiki-join na sa kanilang viral dance challenge.

Isang partikular na post sa X ang nagpasaya sa mga Pinoy nang dalawang construction worker ang humataw sa saliw ng ‘Pantropiko’ sa gitna ng kanilang break. Aliw na aliw ang mga netizens dahil ang dalawang maton ay todo pilantik din sa paggiling kaya’t panigurong magiging proud ang BINI sa kanilang dalawang fanboys.

Puring-puri din ang dalawang construction workers ng mga netizens sa kanilang flawless performance.