Congrats, Nicki Minaj at Kemyruth! Netizens, aliw sa kakaibang mga pangalan ng incoming students

Agaw-eksena ang mga kakaibang pangalan ng mga nakapasa sa Negros Occidental National Science High School.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Tuwang-tuwa ang mga netizens sa mga kakaibang pangalan ng mga passado sa isang entrance exam sa inilabas ng listahan ng Department of Education.

Kasama sa mga nakapasa para sa taong ito sa Negros Occidental National Science High School ang mga bigating pangalan tulad ni Nicki Minaj. Meron din namang na-inspire ang magulang sa gay lingo kaya’t ipinangalan sa anak ang katagang Kemyruth na dinugtungan pa ng Keme, na pwedeng gamiting pangpuno sa kahit anong pangungusap.

Kahit hindi sila kilala ng mga netizen, ay inulan ng congratulations ang dalawang batang may mga kakaibang pangalan. Paano naman, talaga namang angat sa iba at lagi itong matatandaan.