Congrats kaps! A’TIN, sukamses sa pagiging CPA at nagawang pagsabayin ang pagfa-fanboy at pag-aaral

Hindi hadlang ang pagiging fanboy sa pag-abot ng pangarap, sey ng isang A’TIN na isa nang ganap na CPA.

Hindi kailangang isantabi ang pagiging fanboy para makamit ang pangarap. Pinatunayan ng isang A’TIN na tulad ng kanyang Mahalima, kayang pagsabayin ang pag-aaral at paghanga sa mga idolo basta’t may focus at determination.

Sa post ng PUP graduate na si Milki, nagawa niyang karirin ang tatlong magkakasunod na araw na board exams at lumagare pa para sa “Simula at Wakas Experience,” at “Simula at Wakas” World Tour kickoff sa Philippine Arena.

Ngayon, natanggap na niya ang good news na isa na siyang ganap na CPA! Aniya, isa siyang fan ng SB19 kahit noong “Alab” days pa ng mga ito kaya’t proud siyang sabay nilang nararating ang rurok ng tagumpay.

Na-touch naman ang mga kapwa A’TIN sa istorya ni Milki. Nagpaulan sila ng congrats sa kanyang thread at sinabing sure na sure sila na happy sina Pablo, Stell, Ken, Josh at Justin sa kanyang achievement.