Di alintana ang tamang lyrics basta kayang daanin sa showmanship. Tila ito ang naging desisyon ng magkaibigang nangangaroling na ngayon pa lang ay nagpa-praktis na para sa kanilang pasabog performance ng “Jingle Bells.”
Sa post na ibinahagi ng FB page na Musika, kinagiliwan ng mga netizens ang paandar ng magkaibigan na ginamit pang props ang badminton at nag ala majorette habang inaawit ang “Jingle Bells” sa harap ng isang tindahan.
Medyo sablay lang sa lyrics na may naligaw pang “towel,” “dares is rice,” at “wand ates play.” Pero hindi naman ito pinansin ng mga netizens na aliw na aliw sa effort na ginawa ng dalawang bata. Higit pang nagpatawa sa kanila ang isa pang kabarkada ng mga bata na “best in moral support.”
“Ahahahahaha napasaya nyo ang araw ko basta ang importante nasa tuno dami ko tawa may kasama na rice talaga”
“galing ng mga bata mag memorize ng baton”
“Good Vibes lng hehe namamasko po”
“Basta nasa tono my pamasko kau sa akin”