Concerned citizen? Netizen na todo sita sa wallscape na akala ay totoong mga tao, kinaaliwan online

Isang viral TikTok video ang nagpakita ng netizen na todo concerned sa nakakatawang wallscape ad na parang totoong tao.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kinaaliwan sa internet ang isang netizen na napa-react sa isang wall ad na sa unang tingin ay akala niya ay mga totoong tao.

Sa TikTok video ni Prince Warren, makikitang tila may sinisita siya sa mataas na bahagi ng isang gusali. Ngunit nang ilipat ng camera ang anggulo, lumabas na wallscape advertising lang pala ito ng isang pamilyang nag-eendorso ng bahay.

Naka-emboss ang larawan sa ad kaya nagmistulang totoong nakaupo ang mga tao sa gilid ng gusali, dahilan para malito ang ilan sa unang tingin.

@warrengenuine Delikado kasi. Kaninong family to? #fyp ♬ original sound – Prince Warren

Tawang-tawa naman ang netizens sa comment section at sinakyan pa ang trip ni Prince:

“as a concerned citizen HAHAHAHA”

“HALA BAKIT PO SILA ANDYAN HUHUHU 😭😭😭”

“Ahhh so hindi lang pala ako may ganito humor”

“na para bang sila si humpty dumpty”