Maagang nakatanggap ng pamasko ang community cats ng University of the Philippines Diliman dahil lahat sila ay napa-kapon na, salamat sa isang inisyatibo ng PAWS Philippines.
Ayon sa grupo, nakipag-collaborate sa kanila ang Community Animals Partners and Welfare Advocates-UP at UP staff para siguradong ma-spay at neuter ang 23 muning na namamalagi sa pitong colleges at buildings ng UP noong nakaraang linggo.
Ang pagpapakapon ay isang garantisadong paraan para matiyak na mas malusog at masaya ang mga fur babies.
“Thank you, UP Diliman, for loving your community cats and giving them the care they deserve. It was our honor to help you in this meaningful endeavor!” ani PAWS Philippines sa isang social media post.
Naging posible ang milestone na ito sa pamamagitan ng 70th Anniversary Kapon project ng PAWS Philippines.