Coming back stronger! Jones Inso Labres, wagi ng gold sa 4th Wushu World Taijiquan Championship

Pinatunayan ng wushu athlete na si Jones Inso Labres na kayang-kaya niyang matamo ang gold finish sa 4th Wushu World Taijiquan Championship.

Nag-uwi ng gintong medalya para sa kanyang performance sa Men’s Chen Style 56 Movement sa 4th Wushu World Taijiquan Championship na ginanap sa Singapore at nagkamit ng malaking karangalan sa bansa.

Sa kompetisyon na ginanap sa Singapore kabilang ang mga kalahok ng ibang bansa, pinabilib ng tubong Benguet na si Jones ang mga judges na nagbigay sa kanya ng pinakamataas na score para sa kanyang performance.

Napakagandang comeback story nito para sa Wushu athlete dahil noong 2022 ay nabigo itong makuha ang gold sa 2021 Southeast Asian Games at natalo sa margin na .01 point, ayon sa isang report ng Spin.ph.