Marami ang nakarelate sa isang TikTok POV video tampok ang isang college dormer na ganadong-ganado kumain nang nakatikim ito ng “real food” nang bumisita ang kanyang mga magulang.
Sa video na inupload ni @herilike, makikita ang reaksyon ng mga magulang ng estudyante mula National University na tila nagtataka sa bilis niyang kumain nang mag-dine in sila sa isang restaurant.
Ginamitan pa ng uploader ng angkop na audio na “you sure can put it away,” na madalas gamitin sa mga mukbang-style uploads sa TikTok.
@herilike finally, no more process food #family #food #funny #college #brokecollegestudent ♬ You sure can put it away – antman__01
Dahil maraming ang mga nakarelate sa karanasan ng estudyante, nasa 1.4 million views na ang kanyang video at umani rin ng mga komento mula sa netizens:
“talagang ganap na ganap din sila ee”
“UR DAD FITS THE SOUND HAHHAHAHAJAHHAHA”
“Danas na danas lalo na’t dormy ka HAHAHAH”
“iba yung gutom every time makikipagmeet family mo tapos nakauniform ka pa sa dinner eh😭”