Collective manifestation! Auditor Heidi Mendoza sumali na rin sa viral anti-korap wish ni Kara David

Sa Nobyembre pa ang birthday ni Heidi Mendoza pero ngayon pa lang ay sinabi niyang join siya sa viral birthday wish ni Kara David kontra korap.

Mukhang lumalakas pa kay Lord ang birthday wish ni Kara David tungkol sa mga korap sa Pilipinas dahil maraming nang ka-joiner ang Kapuso journalist sa kanyang hiling at isa na rito ang auditor na si Heidi Mendoza.

Sa kanyang Facebook post, ipinarating ni Mendoza kay David na sa birthday niya sa Nobyembre ay pareho na rin ang kanyang wish at may bonus pang handaan.

“Dear Ms Kara and Ms Galang,
Sa November pa po birthday ko pero promise, join po ako sa wish ninyo! 😀 Sagot ko na po ang pakain🤣”

Ang tinutukoy niyang Ms Galang ay si Amy Galang, digital marketing specialist na nag-trending matapos magpahayag na dapat i-cancel muna ni Lord ang lahat ng ibang wishes at i-prioritize ang kay David.

Sa gitna ng mga alegasyon ng korapsyon tungkol sa multi-billion flood control projects, ang wish niya para sa kanyang 52nd birthday ay: “Sana m*m*t@y na lahat ng korap!”

Marami rin ang agree sa post ng auditor at nakisali rin, lalo na ang mga November babies, sa “collective wish movement”:

“Sana All LAHAT na nag bi birthday..Wish natin LAHAT SA MGA KURAKOT SA PILIPINAS MA TODAS NA SILA LAHAT . Miki join na RIN Ako ,sa Wish Nov din”

“Wish come true Sana..😄”

“Pareho po pala tayong November Mam. I join your wish po. 🙏🏼🙏🏼🙏🏼”

“Sana makapunta po ako sa pakain nyo Mam Heidi🤭 wish ko din po wish ni Ms Kara🤞✌️”

“Mam Heidi birthday po naming Mg asawa, wish qdin po mgrant ang wish ni Ms kara.”

“May all your wishes come true forthwith.. 🙏”