Coffee Sci, bagong elective course sa DLSU, patok sa mga estudyante; full in 30 minutes!

De La Salle University (DLSU)-Manila may undergraduate elective course na Coffee Sci.

Maraming kabataan ang nahihilig sa kape at sa katunayan madalas sila ang laman ng mga coffee shops.

Dahil dito, naisip ng De La Salle University (DLSU)-Manila na gawing undergraduate elective course ang Coffee Sci (Science) na inaalok ng kanilang Chemistry Department.

Sa katunayan, naging in demand nasabing kurso at napuno ang kanilang online enrollment sa loob lamang ng 30 minuto, ayon sa ulat ng ABS -CBN News.

“Naisip namin na baka mas magandang paraan para maituro ang mga science concept sa ating mga estudyante kapag may masaya na context ‘yung subject,” ani Assistant Professor Dr. Emmanuel Garcia ng DLSU Chemistry Department.

Naging posible ito matapos ilunsad ang kolaborasyon ng unibersidad sa coffee producer Gourmet Farms Inc. noong unang trimester ng 2023.

“The subject intertwines the artistry of coffee-making with the pedagogy of science,” paliwanag nito.

Nagaganap ang klase sa DLSU’s Gourmet Farms Coffee Science Laboratories, na kumpleto sa mga gamit na kailangan sa pagawa ng kape gaya ng coffee beans, electric and manual coffee grinders, filter paper, drippers, weighing scales, gooseneck kettles, at refractometers pa sukatin ang taoang ng kape.

“Alam naman natin bumabata na ‘yung consumers ng coffee. Since in na in naman ang coffee… pagsamahin na namin ‘yung aming kaalaman at saka ‘yung pagturo ng science sa mga bata para ma-enjoy nila habang natututo sila ng science,” dagdag pa ni Garcia.

Naobserbahan din ni Garcia ang gusto ng mga tao na matuto ng science at coffee. “‘Yung grades palaging mataas kasi madali nila naiintindihan ‘yung concept, mas effective,” saad ni Garcia.