Clean beaches, full bellies: 4.3 toneladang basura, nalinis sa baybayin ng Mabini, Batangas kapalit ng bigas!

Sa Mabini, Batangas, bawat kilo ng basurang malilikom mula sa tabing-dagat ay may kapalit na isang kilo na bigas.

Sa Mabini, Batangas, may ibang paraan ang mga residente para makakuha ng libreng bigas.

Sa ilalim ng isang rice-for-trash program, namumulot sila ng mga basura sa baybayin ng kanilang naggagandahang mga dagat, na kilala bilang isa sa mga best diving spots sa Pilipinas. Bawat kilo ng basura ay may kapalit na isang kilo ng bigas.

Ayon kay Giulio Endaya, isang volunteer, ang nakukuhang bigas mula sa programang ito ay sapat na sa isang araw para sa maliit na pamilya, lalo na’t mahal ang presyo ng bigas ngayon.

Sa dalawang taon ng programa, mahigit 4.3 metric tons (9,400 pounds) ng plastic waste na ang nakolekta, na may katumbas na 2.6 tons (5,700 pounds) na bigas na naipamigay sa mga pamilya sa komunidad, ayon sa ulat ng Reuters.

Kilala ang Mabini sa mga vibrant corals at marine biodiversity. “But a rising tide of plastic pollution poses an increasing threat to marine animals such as sea turtles,” ani Endaya.

Mga private donors at mga maliliit na kumpanya ang nagtutulong-tulong para mapagpatuloy ang rice-for-trash program na ito.