Claudine Barretto, pinagtripan ng ‘Home Along Da Riles’ cast sa kanyang viral ‘thank you so much’ meme

Claudine Barretto dinog show ng mga "kapamilya" sa "Home Along da Riles" sa kanyang viral meme.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kamakailan ay lumabas ang isang viral meme tampok ang aktres na si Claudine Barretto na paulit-ulit na nagpapasalamat sa mga nagpadala ng mga regalo sa kanya. At dahil dito, binansagan ng internet ang aktres bilang “most thankful Filipino.”

Bukod sa mga netizen, mismong mga “kapamilya” ni Claudine sa classic sitcom na “Home Along da Riles” ang nang dog show sa kanya sa kanyang viral meme.

Sa isang TikTok post ng aktor na si Boy 2 Quizon, na kasama ni Claudine sa TV show, makikita ang cast ng “Home Along da Riles” na halatang pinagtitripan si Claudine na paulit-ulit magsabi ng “Thank you so much!”.

@boy2quizon "Thank you so much" – Claudine 2024 #HomeAlongDaRiles #dacosmefamily #homealongdareels #ClaudineBarretto #thankyousomuch ♬ original sound – Boy2 “Dos” Quizon

Patok naman sa mga netizens ang game na pagsakay ni Claudine at ng kanyang mga “kapamilya” sa kanyang viral meme.

“Haha. Ang kyot. Clau looks really happy with the Home Along Da Riles family.”

“that’s how you take back the narrative! dogshowhin ang sarili! nice one, claudine”

“Thank you so m—, Claudine for making us so entertained.”

“Our grateful queen.👸👸👸”