Choosy? Matapobreng daga, inisnab ang ulam na balak sana niyang kupitin sa lamesa

Napakamot na lang ng ulo ang mga netizens matapos nilang ma-witness ang isang daga na nag isnab ng kanilang ulam nang malamang isda lang pala ang laman ng food container.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Minsan talaga ay mapapabilib ka na lang sa pagiging maparaan ng mga daga sa bahay. Bukod sa malalakas na ang loob na magnakaw ng pagkain sa hapag, aba, ngayon ay level up na dahil marunong pa silang magbukas ng container at mamili ng kukupitin.

Sa isang post ng netizen na si Jayvee Mendoza, caught in 4K ang isang daga na akmang pupuslitin ang laman ng isang ice cream container na naglalaman ng ulam. Iyon nga lang, nang magtagumpay na nitong mabuksan ang lagayan at makitang isda pala ang ulam ay bigla na lang itong umeskapo.

@imjvmofficial

Paano kung mas maarte pa sayo ang DAGA 🐀 HAHAHHA

♬ original sound – Jayvee Mendoza


Ani naman ng mga commenters, may pagka-matapobre na din pala ngayon ang mga dagang bahay.

“🐭: poor naman ng mga tao dito!”

“ang kulit yung daga 😂 ice cream”

“HAHAHAHAHA pati sya nascam ng ice cream Tupperware”

“Nakaka takot na talaga panahon ngayun pati daga marunong nadin mag bukas ng tupperware😭😆”