Chismosong hakdogs! 2 alagang asong sinira ang pinto para maki-Marites, nagbigay katatawanan sa internet

Netizens aliw sa mga dachshunds na gagawin ang lahat sa ngalan ng pagiging Marites.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Good vibes ang dala ng mga dachshunds na sila Charlie and Max sa mga netizens dahil sa tindi ng determinasyon na kanilang pinakita para lamang makasagap ng chismis sa kapitbahay.

Sa Facebook post ng kanilang furmom na si Naomi, makikitang sinira ng kanyang dalawang alaga ang kanilang screen door para maki-Marites.

“Walang matibay na screen sa chismosong hakdogs,” kwento ni Naomi.

Kwento pa ni Naomi sa Inquirer, likas na chismoso ang dalawang aso sa mga kaganapan sa labas ng kanilang bahay. “Pag may narinig po kahit kaunting kaluskos or boses ng tao, tatakbo na po agad sa may pinto,” sabi ni Naomi.

Patok naman ang pagiging marites ng dalawang aso sa mga netizen, na may ilan pa ngang nagsabi relate sila dito.

“Walang kahit ano ang matibay. Yung indestructible toys? Wala yan sa mga hakdogs. Maparaan sila.”

“Ganyan din Doxie KO si Pia .1 year old na xa grabe pa ngatngat nya”

“Hay relate na relate ako dito (ng) Naiwan sa dirty kitchen si Robin.”

“Desidido sa kalokohan niya. Ang cute kaya.”