Chill activities para sa mga mag-jowa sa Valentine’s Day, alok ng isang resort sa Pangasinan

Ibat-ibang mga aktibidad para sa Valentine's Day ang alok ng isang resort sa Pangsinan para sa mga mag-jowa.

Sa isang resort sa Pangasinan, hindi lang romantic dinner ang paandar para sa Valentine’s Day. Ang mga mag-jowa ay pwedeng mag pizza making, yoga at meditation, tea alchemy, hiking, biking, fish feeding at magpa-spa sa Hiraya Wellness Resort.

Ayon kay Golda Zamuco, ang general manager ng resort, ang 57-ektaryang ari-arian ay binuksan noong Nobyembre 2020 bilang isang family farm na naging isang resort para sa mga gustong mag-chill at magpahinga sa bilis ng takbo ng buhay sa siyudad.

“I want the guests to have a space where they can run, explore, and discover nature,” ani Zamuco sa panayam ng GMA News Online.

Sinadya rin na maliliit ang mga kwarto para hikayatin ang mga bisita na lumabas at mag-explore at i-enjoy ang sariwang hangin.

Bukod sa mga nasabing activities, pwede rin mag nature tripping ang mga adventurous na lovebirds, dagdag pa niya.