Chicken adogbo! Shalang adobo recipe para sa mga aso, ibinahagi ng isang vlogger

Aliw ang mga fur parents sa isang chicken adogbo recipe na parang mas sosyal pa ang pagkakagawa kaysa ulam ng mga tao.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kapag ikaw ba naman ang makakita ng ingredients ng adobo para sa mga alagang aso ng vlog page na thecedlife, tiyak kahit ikaw na tao ay magugutom. Paano ba naman, sa mga sangkap ang presentation pa lang nakakatakam na.

Ibinahagi ng vlogger ang kanyang recipe sa kanyang Instagram page para sa mga tulad niyang fur parents na nais mapakain ng healthy at masarap na food ang kanilang furbabies.

Kabilang sa mga ingredients ay manok, “adogbo” sauce na gawa sa carob powder at plain chicken broth, coconut oil, chicken foot broth, at itlog pugo.

Sa sobrang sabik ng mga aso ay ilang beses na nilang nilabas ang dila habang niluluto ang kanilang ulam sa kanilang harapan. At nang iserve na kasama ng kanin, aba syempre ngasab agad!

Aprub naman sa mga Pinoy fans ang bersyon ng adobo para sa mga doggo.

“As one of your Filipino followers, I approve this version of “adobo” – and I think they both did! 👏😍”

“In the Philippines, we have chicken liver adobo too. Good for dogs as well hehe”

“Wuhooo!!!! Filipino dish!!!!”

“These dogs eat better than me😭”

“Cleaned them plates better than the dishwasher💀”