Chenes! Eksena ni Roderick Paulate sa lumang pelikula, nag-viral sa epic na pagsagot sa tumawag sa kanyang ‘Sir’

Nag-viral muli ang dating video ng isang pelikula ni Roderick Paulate kung saan tinawag siyang “Sir” ng isang receptionist.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Matapos ang isang insidente sa isang Cebu restaurant kung saan pinatayo daw ng isang transgender woman ang isang waiter na tumawag sa kanyang “Sir” sa loob ng dalawang oras, lumutang muli ang isang eksena ni Roderick Paulate sa kanyang dating pelikula kung saan may epic siyang sagot sa receptionist na tumawag sa kanyang “Sir.”

Sa clip, itinatanong ng karakter ni Roderick ang receptionist kung saan matatagpuan ang mga restaurant sa hotel at makailang ulit siyang tinawag nitong “Sir” na para bang nang-aasar pa.

Kahit medyo naimbyerna ang beki, ay sinagot niya ang receptionist ng sarkastikong “Ganda mo ha, at binirahan ng chenes! Habang nagwo-walk out.

Agree naman ang netizens sa ganitong approach kaysa manghamak ng mga staff sa service industry, na napabalitang nangyari nga sa viral na transwoman kaya siya inulan ng bashing.

Isa si Roderick Paulate sa mga artista noong 80s hanggang 90s na sumikat sa pagpapalabas ng gay roles.