Chemistry agad-agad?! Mala-advanced ABC lesson ng isang 4-anyos, kinaaliwan ng netizens

Patok sa netizens ang super-advanced na alphabet “lesson” ng isang four-year-old.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Aliw na aliw ang mga netizens sa video ng isang apat na taong gulang na batang nagbabasa ng letters, hindi ng alphabet, kundi ng mga chemical symbol sa chemistry lesson ng kanyang mommy na isang guro.

Sa TikTok post ni Maria Germamae Resoso, makikita ang kanyang anak na si Levi na nagbabasa ng mga letra ng alphabet.

Pero lingid sa kaalaman ng bata, ang binabasa pala niya ay equations na binubuo ng mga chemical symbols.

“Mag-ABC ka muna dun, nak,” ayon kay Maria sa kanyang caption.

@mgermamae.lr

♬ original sound – Maria Germamae Longkiao Resoso

Tuwang-tuwa naman ang mga netizens sa ginawa ni Levi na tila humarap sa isang super advanced na lesson ng alphabet.

“balancing chemical equations po next please”

“organic chemistry naman po next”

“thermochemistry po next then stoichiometry”

“rekta chemistry na kaagad”

“equilibrium po next”

Sumakay naman si Maria sa mga mungkahi ng mga netizens para sa susunod na lesson ng anak.

“salamat po sa mga suggestions, balancing chemical equations po next,” sagot ni Mariasa sa netizens.