Waging-wagi ang duo nina Miss Grand International Emma Tiglao at ang kanyang pageant bestie, roommate at first runner-up na si Gotchabell Gotchapan ng Thailand.
Sumama kasi si Gotcha kay Emma sa kanyang grand homecoming kaya’t sa kanilang mga guesting ay ipinamalas ng dalawa ang kanilang kakulitan at pagkakaibigan.
Sa isang guesting, naglaglagan din ang dalawa nang sabihin ni Gotcha na sobrang antukin daw si Emma sa tuwing gigisingin ay laging humihirit ng extra pang tulog. Si Emma naman, mabilis na gumanti at sinabing maingay daw kasi sa gabi ang kanyang roommate kaya hindi siya agad nakakatulog.
Instant ang pagmamahal ng mga Pinoy kay Gotcha dahil sa kabaitan at pakikipagkaibigan na ipinakita niya kay Queen Emma, kaya naman sa kanyang pagbabalik sa Thailand, nabigyan pa nila ito ng problema.
Paano pagkakasyahin ang sandamakmak na gifts na padala sa kanya ng mga fans sa nag iisa niyang maleta.