May dahilan kung bakit adopted Filipino na ang turing ng mga K-pop fans kay Chanyeol ng EXO. Sa sobrang dalas niyang nasa Pilipinas, maging ang opening bars ng ating national anthem ay kabisado na niya.
Sa pinakahuli niyang pagdating sa bansa, natuwa ang mga Pinoy nang agad na nilagay ni Chanyeol sa kanyang dibdib ang kanyang kamay nang magsisimula na ang “Lupang Hinirang.”
Anila, ang mga katulad ni Chanyeol ang dapat talagang hangaan dahil marunong itong rumespeto sa kultura ng binibisitang mga bansa.