Certified Japanese? Awkward pero viral ang “Domo Arigato” moment ng isang customer ng isang Japanese resto

Wala mang natawa IRL, patok naman online ang isang TikToker na napasigaw ng “Domo arigato” sa isang Japanese restaurant.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Tila narating ng isang customer ng isang Japanese restaurant ang peak confidence matapos kainin ang isang solid na meal.

Sa isang TikTok video na ibinahagi ni Stella Salle, hindi napigilan ng content creator ang kanyang tuwa matapos kumain ng masarap na Japanese food. Kaya naman sa gitna ng restaurant, bigla siyang napasigaw ng “Domo arigato,” na ang ibig sabihin ay “thank you very much.”

Saglit na napatigil ang ibang customers, pero imbes na tawanan, tila dedma lang ang buong lugar. Makikita sa video na walang pumalakpak, walang natawa, at ang punchline ay sinalubong ng nakakabinging katahimikan.

@stellasalle05

Certified Japanese🇯🇵

♬ original sound – stella salle

Kung medyo awkward ang eksena sa totoong buhay, panalo naman ito online. Aliw na aliw ang netizens sa comment section at hindi napigilang matawa:

“NA PARA BANG SYA ANG BRANCH OWNER? HNSNXNNXXHAHAHAHAHA”

“lugi, seen lang”

“i would’ve burst out laughing😭😭😭😭”

“HAHAHAHAHAHAAHAHAHHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA”