Certified BLOOMS! Choir nagpakilig sa rendition ng BINI songs

Nag pa-sample ang Light of the Nation Singers choir ng kanilang version ng sikat na mga kanta ng BINI, tulad ng "Pantropiko" at "Salamin, Salamin."
Found this article interesting? Help others discover it too!

Hindi naman nagpahuli ang isang choir sa BINI fever dahil meron itong sariling rendition ng mga sikat na kanta ng nation’s girl group.

Sa post ni Rouele Martin Garcia sa Tiktok, makikita ang choir na Light of the Nation Singers na kinakanta ang “Pantropiko” at “Salamin, Salamin” sa kanilang rehearsals.

“1st full run-through of “Salamin, Salamin” by BINI (Choir Ver.),” ang caption ni Rouele sa kanyang post.

@rou5527 1st Full run-through of “Salamin, Salamin” by @BINI PH Arrangement by Rouele Martin Garcia @lightofthenationsingers #choir #bini #salamin #lightofthenationsingers #fyp ♬ original sound – Rouele Martin

Kwento ni Mark Gregory Isip, isang miyembro ng choir, sa Bayan Mo, Ipatrol Mo, karamihan daw sa miyembro ng choir ay certified BLOOMS o mga fans ng BINI kaya naisipan nilang subukan ang mga kantang ito sa kanilang rehearsal.

Patok naman ang choir version ng BINI songs base sa mga komento ng netizens.

“Wow, ganda ng pyesa”

“Just curious po if pwede din makakuha po ng pyesa hehe”