Certified Bloom! Albie Casiño, aminadong fanboy din ng BINI

Inamin ni Kapamilya actor Albie Casiño na kabilang din siya sa Bloom fandom ng P-pop girl group na BINI.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Aminado si Kapamilya actor na si Albie Casiño na isa siyang hardcore fan ng BINI. Sa katunayan, proud siya sa kanyang Instagram Stories na kahit siya ay nag-wo-workout ay BINI pa din ang laman ng kanyang playlist.

Biro pa ng “Can’t Buy Me Love” star, nagtataka daw ang mga tao sa gym kung bakit hindi matapos-tapos ang mga kanta ng BINI na naka-loop sa speaker ng gym pero hindi nila alam na nakaconnect pala ang aktor sa Bluetooth nito.

(CREDIT: @thestallion09/Instagram)

Tuwang-tuwa naman ang mga BLOOMs sa pag amin ni Albie na kabilang siya sa hanay nila.

“Ang cute Albie!”

Certified bloom!”

“Welcome to the club ahia!!!”