Cebuana LET topnotcher, inalay ang tagumpay sa yumaong ama

Inspirasyon ng LET topnotcher na si Rita Jean Cabunag ang kanyang namayapang ama na ang tanging pangarap ay maging isa siyang ganap ng teacher.

Naging inspirasyon ng Cebuana topnotcher na si Rita Jean Cabunag ang kanyang namayapang ama sa pagkuha niya ng Licensure Examination for Professional Teachers (LET) noong Marso.

At sa kabutihang palad ay hindi lang pumasa si Rita, gradweyt ng University of Visayas, ninth placer din siya sa board exam. Isa rin siya sa 10 topnotchers na nagmula sa mga unibersidad sa Cebu.

“Teaching is not my first choice. It was never my choice, but God led me here. Since elementary school, my teachers have always rooted in me to become a teacher because I have a knack for explaining well,” ani Rita sa panayam ng Cebu Daily News.

Sa likod ng kanyang tagumpay, may munting kalungkutan si Rita dahil hindi na nasaksihan ng kanyang mahal na ama ang magandang nangyari sa kanya ngayon. Namatay ang kanyang ama isang taon bago pa siya kumuha ng board exam. Pero naniniwala si Rita na masaya na rin ang kanyang ama at proud it sa kanya. Aniya, ang kasipagan ng kanyang ama noong nabububay pa ito ang kanyang naging motivation para tulungan din sa pag-aaral ang dalawa pa niyang kapatid. Malaki rin ang pasasalamat ni Rita sa kanyang German benefactors na sumagot sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Ang Mary Queen of Heaven Missionaries naman ang nagbigay sa kanya ng matutuluyan mula senior high school hanggang kolehiyo.