Cebu Pacific, nakalikom ng Php 91M para sa mga batang Pinoy sa tulong ng barya-baryang donasyon ng mga pasahero

Marami nang natulungan na mga bata sa Pilipinas ang Change for Good initiative ng Cebu Pacific Air at UNICEF simula nang ilunsad ito noong 2016.

Nakalikom ng Php 91 million na donasyon sa pamamagitan ng in-flight fundraising campaign ang Cebu Pacific (CEB) para sa “Change for Good” program upang makatulong sa pangangailangan ng mga bata tulad ng pagkain, kalusugan, edukasyon ng mga batang Pinoy.

Inilunsad noong 2016, nakipag-partner ang CEB sa United Nations Children’s Fund (UNICEF) Philippines para sa kanilang “Change for Good” initiative na kung saan ang mga donasyon ng mga pasahero ay napupunta sa mga programang pangkalusugan at edukasyon ng UNICEF.

“Our partnership with UNICEF has allowed us to channel the collective goodwill of our passengers into meaningful initiatives that will positively impact the lives of Filipino children. We are thankful for the generosity of our passengers and look forward to continuing this important work with UNICEF,” ayon kay Candice Iyog, Chief Marketing and Customer Experience Officer of Cebu Pacific, sa ulat Philippine Star.

“Children have the right to a better and brighter future. Our partnership with Cebu Pacific has helped support our work so that every Filipino child can grow up healthy, educated, and protected,” saad naman ni Oyunsaikhan Dendevnorov, UNICEF Philippines Representative.